Tuesday, July 18, 2006

kahit hectic, may date padin :)

kanina, i was so bummed from our laboratory classes. i only have two classes pero OMG ang haba noh. 7.30-12.00 was Computer Graphics at 12.00-4.30 nman was Java Programming. kelan ako kakain nyan? pero buti nlang talaga binigyan niya kami ng 30 minute break kaya at least i ate lunch. hehe.. at inuwi ko ung bote ng C2 na ininom namin ni nayj kanina. everyday akong maguuwi. hehe..
.
kanina nga sa Java, ung professor na namin ang sumusuko sa haba ng oras. pagod na pagod na daw siya. pati siya din pala di pa nakain ng lunch. pero nagulat ako sa syntax ng Java. super duper ultimate the same with C#'s codes. kaya sisiw lang samin ung tinuro ni sir kanina. inaantok na nga ko eh. yabang! pero seryoso diba pag alam mo na ung tinuturo mejo nakakatamad ng making. :D and for the first time, hindi kami magkatabi ni nayj ng upuan. kasi di kami pumasok ng 1st meeting dahil kelngan naming ayusin ung schedule namin dahil last day na nun. so di na kami pumasok para lang tlga maayos para wala na kaming aalalahanin. so we had no choice, nasa huli ako, nasa harapan siya.. weh, ang OA nman kung malungkot. hehe.. pero kasi nasanay ako. pati kasi sa alphabetical order ng names magkasunod ang Espineli at Fabros.. :)
.
tapos after class, we walked from school to Glorietta to purchase our Economics book which was worth P450.. buti nlang dala ko lahat ng pera ko. then we ate at McDo kasi gugutumin ako sa bus. kaya ngayon, hindi ako gutom. ayun, masaya lang kasi nakakalabas na kami ng regular ulit unlike dati kaya happy happy!
.
tapos bumili ako ng bag! super nadaan ko sa pagiging kuripot ung tindera. kasi dapat P350 un. tapos sabi niya,
"P280 nlang para sayo.."
"P200 nalang po ate.."
"ay, hindi pede.. P350 nga yan sa iba eh.."
"sige na.."
*iling* si manag..
"cge.."
"kunin mo na?"
"hindi." (kunwari dismayado..)
tapos pababa na ko ng escalator. hinabol pa niya ko.. kumonsulta pa kasi sa kasama niyang bading. aba, pumayag ng P200! hehehe.. tapos syempre nag-thank you ako.
.
i arrived home at 8.30pm. buti nlang may kotse.. :)