batch 2004 is the incoming 3rd year students of mapua-makati. if you are a regular student, meaning wla kang bagsak, it means last year mo na sa school. naiinggit nga ko sa mga classmates ko na hanggang ngayon regular padin. i don't really know what went wrong with me. i know i also have my mistakes kasi minsan dahil sa peer pressure. but i wont let that happen again. kaso too late na nga.
.
hindi umaabot ng super habang pila ang enrollment sa school. kung icocompare ko nung first year, mas magaan ang loob ng school ngayong enrollment. kumokonti na nga kami. pag first year kasi madami. ung iba, hindi tumatagal after some terms. ang hirap din tumagal sa school na to. kung mahina nga loob ko matagal na kong lumipat eh. or if lumipat nga ko, nung first year ko pa dapat ginawa. tulad ng ginawa ni TJ. pero sayang nman, less than 60 units nlang ang kulang ko. and what fears me the most is the thesis. kahit fast pacing ang school namin, i have to do the thesis not in a fast paced manner. kukunin ko na thesis pag nag-open kagad. para if ever sumablay, hindi gaano magtagal sa school. i wanna graduate! i wanna graduate!
.
right after enrollment, we went to levelupgames office. nag-file kasi ng hack report si marxi sa account ng kuya niya. gutom na gutom na kami nun. eh ang tagal ng process. so nauna na kami ni nayj. hindi na rin ako gaano na-amaze kasi nga hindi na ko attached sa levelupgames. hehe.. though dinadaanan na kami ng madaming GMs, okay lang. nagpunta kami sa SM FoodCourt in Makati to eat lunch. super gutom na gutom ako.. tapos nag-dessert pa ko ng Ice Craze!! sarap sobra! kaso nagmahal na eh, P30 na, dati P27 lng. tapos nakakainis mga food sa foodcourt. akala ko mura un pala wala pang drinks ung mga meal nila. kaya mas na-appreciate ko tuloy ung value meal ng Jollibee at McDo. kasi sa halagang P50, may food and drinks kna. kakagutom nman. hehe..
.
i am one year away from graduating.. i can't actually imagine it pero syempre i want it to happen. parang nakakaexcite na nakakakaba.. ang daming mga things na naiisip ko, etc.. basta ang pangako ko talaga, Automata will be the last subject i will fail. PROMISE. i can't afford to fail another subject again.
.
i can't understand kung bakit ung iba, pinapalipat ng mga magulang kapag may bagsak. i mean, it would make things harder. like he/she is going to start again. tapos syempre iba ung subjects ng school sa ibang school. tapos what's the difference? it's the same course, the same subjects.. iba lang ang school. pero ang whole point, mag-aaral padin siya. ewan.
.
i really wish myself well on my life.. especially starting July 2006 to September 2007.. hay.. :)