Wednesday, July 26, 2006

matapos ang bagyo


back to school na ulit! buti na lang. kahit na may dalawa kaming quiz ngayon, okay lang sakin na pumasok dahil wala akong ginagawa sa bahay. nananaba lang ako dahil kain ako ng kain. hehe.. jan sa pic, nagaaral si nayj nyan. ako nman, nangiistorbo kasi tapos na ko magaral. tapos ung black na bracelet na suot niya, bigay ko sa kanya yan. nung una, dlwa ung binili ko. isa sa kanya, isa sakin. kaya lang, naputol na ung sa kanya kaya binigay ko nlang ung sakin. kaya yan, suot na niya. tapos kaya di nakatingin si nayj kasi focus siya sa inaaral niya. yihee..
.
ang saya nung bagyo, super walang trace today. no wind nor rain.. hehe. magaling ang nag-suspend ng classes from monday to tuesday. tapos may natipid pa kong baon. yey!
.
nagsisimula akong mag-ipon ngayon dahil may malaki akong pagiipunan for December. anu pa? our second anniversary! nung first anniversary namin, pizza hut kami kumain nun. e this year kaya? kasi kung mag fine dining kami, once a year lang. ung sa special occasion lang tlga namin. everytime na nagddate kami, sa fastfood lang kasi simpleng mamamayan lang kami ng Pilipinas. studyante palang kami, wala pang pera. basta magkasama, masaya na kami. kaya kapag nagkatrabaho kami, saka kami kakain sa mga di pa namin nakakainan. ultimo greenbelt nga, hanggang tingin lang kami. hehehe. it's the time together that counts! (uy, bago un ah.. hehe.)
.
my first two quizzes for this term turned out great. well, madali pa nman kasi ung pinagaaralan namin. wish ko lang magtuloy-tuloy. pati i am going to give out my best. pati pala kanina, nag-uusap kami ni nayj ng kung anung magandang thesis para sa third term namin. we have to think na dahil malapit na un. sa january naa!! OMG! i am so close to graduating. oops, erase! erase! erase! ayoko munang isipin yan dahil ayokong madisappoint. pero syempre sobrang gusto ko ng gumraduate. hopefully nga, sabay kami ni nayj ggraduate eh. pero pwede nman daw ipagpaliban ung ceremony kung una kang natapos sa units. ikaw na pipili kng kelan ka magma-march. every term kasi namin, may graduation. kaya gusto ko sabay kami gumraduate. pati napagusapan din namin ung mga taong ayaw namin makasama sa grupo.. alam na.. hehe.
.
excited na kong matapos ang college ko. ang dami dami kong plans! pero syempre, hinay hinay muna. magfofocus muna ko tlga sa studies ko kahit sobrang hirap na. minsan nga naiisip ko, what if ibang course ang pinili ko, edi hindi sana ko nahirapan dahil walng kasing hirap to. i know MassCom of DLSU-D is a lot easier than this. yun sana ang path ko kung hindi ako nag-Mapua. pero i know i am in this field coz i know God wants me to be in it at alam Niyang kaya ko. yun ung inspiration ko lagi pati alam ko ding may maganda Siyang plano para sakin. kaya i do not lose hope kahit sobrang hirap na.
.
i saw my girl-tropa kanina, mga blockmates ko nung first year. and i realized how much i missed them.. :( we haven't bonded for so long. dati sila ung lagi kong kasama pag gusto naming manood ng sine at mag-window shopping at kumain pag lunch break. tapos ang dami daming napaguusapan. hay, miss ko na sila!