Monday, August 21, 2006

i found it.

all week, nag-ipon ako dahil alam kong sale sa robinsons. at tlgang naghanap ako ng pants, sa crissa pala ko makakakita. as in sakto sa height ko, hindi na kailangang magtupi. buti nlang! kahit na hindi un slim jeans, kasi narealize ko hindi ko pa ma-carry ang slim jeans dahil wala akong shoes appropriate for that, ok na din kasi it has all the qualifications i wrote in my last post. tapos sinukat ko ung skirt sa callia kasi nag-sukat din ung mom ko. tapos nagandahan siya sa skirt na sinukat ko and it looks good on me. tapos she bought it for me! yey! hehe..
.
right after church, we went to muntinlupa to visit my relatives. ayun, i am kind of bored kasi puro matatatanda tapos hindi maka-relate sa usapan. and may mga batang toddlers pa. buti nlang my cousin mylene is with me at si kuya jop. kung anu anu na lang napag-uusapan namin lagi like:
.
1. bakit kapag bata laging pinapasayaw?
2. bakit ang bata laging sinusuotan ng malaking shades?
3. trabaho ng programmer
4. about kate
5. about nigel
6. paano pagalawin ang tenga? (hindi ko un kaya!)
.
ayun tapos ang daming ka-eng-engan kahapon. saya din ng bonding namin ni kuya jop. super close kami.. hehe.. saya!!
.
namimiss ko na si nigel.. tapos dapat uuwi ako ng maaga kasi gagawa kami ng project tsaka assignment sa java pero hindi nman pumayag parents ko dahil we have to meet the relatives daw. so i have no choice tlga. buti nlang nayj was so understanding. sabi niya, it's okay dahil family first tlga. buti nlang!
.
hindi ko pa pala mapopost ung pics kahapon kasi nakay nayj ung infrared.
.
kailan kaya ako magkakaron ng havaianas? or kahit dupe lang. (uy.. nagpaparinig..)