Thursday, January 18, 2007

intriga

our Rizal professor was discussing Rizal's love affairs when suddenly..

Sir Yuzon: ikaw miss espineli, naniniwala ka ba sa 'love at first sight' at sa 'first love never dies'?
Nessa: hindi po, sir.

tapos biglang naghihiyawan na ung mga classmates ko. maloloko kasi ung mga un.

Sir Yuzon: ah hindi ka naniniwala? ikaw ba e nakaranas na ng iyong first love?
Nessa: opo.

once again, the class is teasing me again.

Sir Yuzon: bakit, andito ba sa klase? hindi ko kasi alam e.
Nessa: sir si nayj po, boyfriend ko.
Sir Yuzon: ah talaga? kaya pala lagi kayong magkasama. si mr fabros ba ang first love mo?
Nessa: sir, hindi po.
Sir Yuzon: ah hindi. pang ilan mo na siya?
Nessa: pangalawa po. sir nman e, nangiintriga.
Sir Yuzon: alam mo nman un mr fabros? hindi ka naiinsecure sa ganun.
Nigel: sir, hindi po.
Sir Yuzon: e si miss espineli pang ilan mo na ba?
Nigel: (thinking.. ang dami na kasi e.) pang ilan na nga ba?

and the talk goes on and on.. naging talk show tuloy ung rizal class. haha..

anyhoo, this week is mapua's foundation week. pero hndi padin naman ma-feel kasi the activities are being held in intramuros. all the professors in makati are so sipag to still teach. kainis. i want to have a break e.

naaalala ko tuloy nang inintriga ako ng high school principal ko noon. kasi may boyfriend ako nun, tapos his sister was taken to the hospital for an operation sa pancreas. then our principal visited her there. tapos sabi ng mother nila, 'alam mo hindi ko papayagan ang anak ko na napunta sa bahay ng boyfriend niya'. e eto nmang si principal, iba ang interpretation sa sinabi ng mom niya.

basta ang naaalala ko, i was called out of class to go to the guidance office. on my way there, nagtataka ako kung bakit nila ako pinapatwag sa guidance office. and when i reached the office..

Guidance Office: anung ginagawa mo kapag weekends?
Nessa: minsan po nasa bahay lang or nagpupunta sa bahay ng classmates ko.
GO: nagpupunta ka din ba sa bahay ni Glen?
Nessa: opo pero minsan lang po.
GO: alam ng parents mo na napunta ka?
N: opo.
GO: mga ilang beses ka na napunta dun?
N: mga 3 times lang po.
GO: kamusta nman ung pakikitungo sayo ng family niya? maayos ba?
N: opo. okay nman po sila. minsan dun pa nga ako nakain ng lunch pati kasama ko manood ng tv ung mga kapatid niya.

and so on..

then kuhanan ng card namin nun, and my dad was the one who went to school to get my report card. pag-uwi niya, parang galit. basta hindi ako kinausap, binigay lang ung card. tapos maya maya, my mom sat by my side and told me that our high school principal talked to my dad at sinasabi na..

'alam niyo ho ba na ang anak niyo ay napunta sa bahay ng boyfriend niya?'

and i think she said more things pa na kinagalit talaga ng parents ko. alam nman nila na napunta ako e. ang thing lang kasi, she does not want her students to be in a relationship. ang sabi lang ng parents ko, ayaw nila na maging masama ung tingin sakin ng ibang tao. pati sinabi ko din kung ilang beses ako nakapunta sa kanila. and hello?? kapag napunta ako dun laging andun family niya. sheesh.

pero anyway, that was two years ago. ang iniintriga naman ngayon si nayj.. of course, ni tita. hehe.. okay lang naman sakin un, at least panatag loob ng parents ko na hindi maluwag si nayj at alam nila kung hanggang anung oras lang kami nalabas. pero syempre may times din na nahihirapan ako lalo na kapag gusto ko mas matagal pa kami mag-date. dapat before 6pm naalis na kasi kami ng mall. so ayun, mejo bitin. pero he told me na once he got a job and ung may mapagmamalaki na siya sa family niya, dun niya ko ipapakilala at dun niya pwedeng gawin ang gusto niya. tama nga nman, once na under ka pa ng isang tao, you can't complain that much dahil sila ang nagpapakain at nagpapaaral sayo.

also, nayj is going to have an atm account. so he's now learning to balance his own finances. kasi siya na ngayon nagbabalance ng baon niya na padala ng kanyang mommy. a good start on being independent. hehe..

i bought my laptop today at school. grabe ang bigat!! para kong highschool kanina. laki kasi ng backpack ko e. once i paid all my utang to kuya jop, i will make ipon to buy a more suitable bag for my laptop. :)

grabe si kuya jop, he has this obsession on upgrading his pc and making it pretty.. techie talaga, grabe.. i think he spent 20,000 already on everything. pero syempre, for good nman ung mga upgrades niya. well done.. :)

i've got nothing more to say.. til next time! :*